DICK ZAMORA ’49 UPSILONIAN, PINAGKAKAPURING PARANGALAN

By January 9, 2006 2,559 Comments

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.”

Isang Pilipinong kasabihan
Dapat nating isaalang-alang
Sa pagbibigay ng karangalan
Kay DICK ZAMORA ’49 Upsilonian.

D akilang piyanista ng dakilang Kapatiran
I sang magiting, subok at tunay na Upsilonian
C alvacades na musika’y kanyang pinangasiwaan
K apuri-puring tunay at malaking karangalan.

Z ealousness at tiyaga, mga kilalang katangian
A witing Pag-ibig, kinagiliwang pagtuunan.
M art at Teddy sa lyrics, sa cello si Ernie naman
O brang himig ni Dick, “When You’re Away” ang kabuuan.
R ekuerdo ng buhay Upsilonian ay ang “Aloyan”
A lamat na Buhay sa musika, UP pamantasan.

Mga Brod at Sis sa Toronto
Sa iyo ay SALUDO!!

Ngayon ay maginaw
Kami’y sumisigaw

HEP! HEP! H U R R A H!!
DICK ZAMORA MABUHAY!!

Upsilon57, Gold Bond 007
Golden Jubilarian sa taong 2007

Bati ng Tagay2 sa Tagaytay
CONGRATULATIONS!!
DICK ZAMORA MABUHAY!!

Josias ‘Josie’ G. Natividad
Upsilon57
08enero2006
Canada

bisitahin ang website: www.otsootsosatoronto.com

Sharing this Post:

2,559 Comments

Leave a Reply