Kapatirang mahal natin
Anibersaryo’y darating
Upsilon57 masunurin
may nakathang panalangin
kung iyong mamarapatin
taos sa pusong bigkasin
kung maibiga’y dasalin
oras na kailanganin.
UPSILON SIGMA PHI
U S P
U linigin aming dalangin
P anginoong Diyos namin
S alamat Amang mairugin.
I kaw lang ang aming sambahin
L uwalhatiin, dakilain
O ras, oras ay sumaamin
N awa kami ay pagpalain.
S umasampalatayang lubos
I yong katapatan ay puspos
G rasiya hindi kinakapos
M analig sa Kanya’t matubos
A wa Mo ay di nauubos.
P agkakasala ay patawarin
H abang kami nagpapatawad din
I yong kalooban aming sundin.
U miral Iyong kaharian
S akupin nang kapangyarihan,
P ag-ibig mapagkailanman.
A M E N
18,620 Comments